051613 Thursday.
Kanina, habang ka-viber ko siya. Naiiyak at nalulungkot na naman ako. Nalulungkot ako kung bakit kasi hindi mahanap nila Mama yung tiwalang pwede nilang ibigay sa akin sa pagboboyfriend. Kaya ayon, hindi kami ngayon legal ni Carl. Sobrang inggit na talaga kasi ako sa iba kong mga kaibigan, puro pictures sila sa FB, malaya nilang maipapahayag in public kung gaano nila kamahal yung boyfriend nila, etc. Habang ako, quiet lang, kasi madaming relatives sa Facebook, baka mahuli at magsumbong pa kay Mama, e di sasampalin na talaga ako nun for sure.
Kuntento naman na talaga ako sa relasyon namin e. Masaya naman kami, at kung mag-aaway man kami, nalalapagsan din namin agad. May kulang lang talaga e, yung approval ng parents ko. Syempre bilang lalaki si Carl, syempre okay lang sa mga magulang niya, lalaki naman siya e. Ako lang talaga ang bawal. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila Papa. Pero, I understand naman e, kasi pag-aaral muna. Pero hindi ba nila kayang bigyan ako ng chance na i-prove sa kanila na kaya kong pagsabayin? Almost 2 years kaming MU, at habang MU kami, never kami nawala sa top, active kami sa mga activities sa school, at gumaraduate kaming sinabitan ng maraming medal. And, halos similar lang din naman ang turingan namin nung MU pa lang kami hanggang sa ngayong official ko na siyang sinagot.
Talagang sa bawat relasyon, meron at merong imperfection. Time will come na magiging legal din kami, tiwala lang.
Umamin na din ang mga dapat na umamin =))))
031913 Tuesday. (throwback)
Hanapin niyo kooo. Haha! Galit na galit na yung mukha ko sa second picture e, sobrang nakakapaso yung init ng araw during that tiiiiime! Tapos siguro mga ilang minutes din kaming nakabilad habang sinasabitan ng medal. Grabe talaga ituuuu. Hihi. Wala lang, nagrereminisce ng mga last moments namin nung mga Ruizians pa kami :( Well, here it is, our CAT Graduation :)
041113 Thursday.
Nareconsider ako sa UST omggggg. THANK YOU LORDDDD!! College of Science, here I come! Buti na lang, may kakilala na agad ako dun kahit papano. Yung kaklase ko kasi mula 1st year HS hanggang 4th year, kapareho ko ng course, which is BS Biology, at saktong doctor in the making din siyaaaa. Plus, yung kaklase ko din dati nung 3rd year ako, same course lang dinnn. Kaya gorabells naaaa! Sana talaga kayanin hanggang sa dulo. Huhu. Help me Lord.
Ayan, hindi na naman kami close katulad ng dati. Siguro dahil nahiwalay na naman ako sa upuan dun sa best friend ko na saktong kaklase, e di mas napalapit ako sa mga katabi ko compared sa kanya. And, mas nagiging comfortable na ako sa ugali ng ibang tao compared sa kanila. May sari-sariling gala na naman sila nang hindi man lang naiisip na yayain ako, or what. Well, it’s their choice. Basta ako, okay naman ako sa kanila, hindi ko sila binabackstab or what, nananahimik na lang ako dito, kaya hindi dapat sila mag-aalala diyan. Ewan ko lang sa kanila kung may ginagawa sila sa akin na hindi maganda, basta ako.. I’m trying to balance things naman. Studies, lovelife, and friends, that’s all.
011913 Saturday.
Cheers to the birthday boy! The love of my life ♡ His birthday is really January 16, but we celebrated it just yesterday.
010713 Monday.
Ayon sa teachers namin kanina, 21 days na lang ang natitira para sa aming pagpasok bilang normal 4th year students. Yung as in nagkaklase talaga, kasi by this week puro shortened period, kasi Intramurals. And then next week naman, wala talagang klase for three days I think dahil din sa mga championship. So laking bawas yun sa mga normal class hours. At sobrang paghahabol sa mga lessons at activities ang gagawin namin in order to survive.
Ginigising na kami ng mga teachers namin na huwag na huwag nang mag-attempt na gumawa ng kalokohan, kasi konting pagkakamali mo lang.. Future mo agad ang nakataya. Kaya nasa sa’yo yan kung pagbubutihan mo na talaga ’tong quarter na ’to, o hindi. Kasi kapag gumraduate ka, hindi lang naman ikaw ang gagraduate ehh. Tatlo raw kayo: ang mga magulang mo na silang nagpaaral sayo sa kabila ng hirap ng buhay, mga teachers mo na walang ibang pangarap para sayo kundi ang maging isang mabuti kang tao at maging isang tao na may dignidad at isang taong may magandang kinabukasan sa buhay.. At syempre, ang panghuli, ikaw mismo. Kung worth it kang gumraduate, gagraduate at gagraduate ka talaga.
Ito na, the end is near. Malapit na kami sa finish line :( I will surely miss this kind of a rollercoaster life once na college na ako :(
010413 Friday.
Ngayon ko naranasan ang sabihin kay Carl habang nag-uusap kami na tatae lang ako, pero mag-uusap pa rin kami anuman ang mangyari. Kadiri no? Haha! Ganun ako kakomportable sa kanya e. Lahat na nasshare ko, pati pa ang pagtae ko.
Alam ko kasing hinding-hindi magbabago ang tingin niya sa akin, kahit pa tumae ako sa harap niya. Mahal na mahal ako nun e. Napashare din tuloy siya na may mga times din na kausap niya ako at sinasabi niyang nasa banyo siya kasi naliligo siya, pero yung totoo.. Tumatae talaga siya! HAHAHA
Usapang tae eh no? B’t ba? Ganun kami ka-open sa isa’t-isa. Siguro kung hindi si Carl yung boyfriend ko ngayon, vibes ko na ang dami kong nagawa kasama si Carl, na never ko magagawa dun sa sinumang lalaki na yun.
Kaya I’m so thankful na ganito kami kastrong, at ganito kami ka-open sa isa’t-isa. May tiwala kami sa isa’t-isa na kahit anong kahihiyan ang ibuga namin ay never magbabago ang mga nararamdaman namin for each other.
Totoo kami sa isa’t-isa, kaya masasabi kong proud ako sa relasyon namin.
122312-122612 ♥
Part III and Part IV
Day 3.
Nung umaga, nagtrain kami. Wala lang, wala na mapuntahan e. Sa gabi pa kami aalis. Kaya yun, naisipan naming gumala kung saan-saan. Napakalayo ng itsura ng mga train station nila compared dito sa atin. Diba dito sa Pinas, sobrang siksikan? Doon hindi, bilang mo lang mga tao na pumapasok, minsan wala pa nga e. Isn’t it cool? Haha :D Napagalitan pa nga yung pamangkin ko dun e, grabe lang makasigaw yung driver ng train. Kasi syempre hindi naman kami taga-doon, tapos napaapak dun si Blake sa part na dapat hindi apakan, dapat daw kasi hindi lalagpas dun sa yellow line, e lumagpas siya. E saktong padating na yung train, e di boom! Nag-init ulo nung driver. Grabe lang. Tsk. Tapos pumunta kami sa mga shopping malls, may napuntahan pa nga kaming as in pangmayaman na mall! Seryoso. Puro kasi mamahalin mga bilihin. Mga Hermes, LV, Bvlgari at kung anu-ano pa na nakakasayang lang ng pera na in fact napakaraming imitations out there. At grabe ang CR! HEAVEN. Ang ganda, pwedeng-pwede na akong matulog dun. Then yun, nagcruise ship kami kinagabihan. Grabe lang makatingin yung isa dun sa akin, sarap kotongan e. Parang tutunawin ako sa lagkit ng tingin niya. Hayy. Pero nabawi naman yung BV ko ng sarap ng pagkain at ng sarap ng simoy ng hangin dun, mga 2 hours din yun ohh. Haha!
Day 4.
Ayan, nagbreakfast, nagimpake, nagcheckout ng 12 PM. Nagikot-ikot nang konti, bumalik sa hotel lobby ng 2 PM, at naghintay na mapick-up ng shuttle hanggang 8 PM. Takte, di ko kinaya yun. Halos mabaliw na akooooo. Paikot-ikot lang ako sa lobby eh. Haha! Then nakauwi kami ng mga 7 AM sa bahay. Tagal naming gising diba? Haha. Kaya bagsak kami lahat pag-uwiii.
Ughhh, thank God at safe kaming lahat na nakauwi :bd
122312-122612 ♥
Part I and Part II
Day 1.
Mga madaling araw kami nag-arrive sa hotel, hindi siya ganun kalaki, hindi rin ganun kaliit. Sakto lang, convenient naman sa mga shopping areas, and malinis, at maganda naman ang service. Then nung umaga na.. First, pumunta kami sa mga Temples. Syempre hindi yun mawawala sa culture ng Thailand. Nakita namin yung iba’t-ibang type ng mga buddha nila. Merong mga papayamanin ka, gagawin kang swerte sa love, family, or even sa career. Syempre, kahit papano, tinry ko ding magwish. Wala namang masama diba? Hihi. And then sa Gems Gallery, na puro naman alahas.. Paano ako makakabili, ha?! HAHA. At syempre, kapag Bangkok, SHOPPING! Papahuli pa kaya ako diyan? Syempre hindi na no! Sayang ang 3,200 Baht na bigay sa akin. Then sumakay kami sa Tuktuk Service, parang siyang jeep at tricycle sa atin combined. Cool nga ehh. Ang presko, kuhang-kuha mo lahat ng usok ng mga kotse. HAHA!
Day 2.
We went sa Elephant Village, sumakay at nagpakain ng mga elepante, kung saan dun din sila kilala. Nasabihan pa akong maganda ng isa sa mga Thailander dun na photographer. Wohooo! Magaganda daw mga Pinay! At, Manny Pacquiao din daw! HAHAHA. Then sa floating market, kung saan dati daw kasi ginagawa ang exchange ng food sa canal nila, hanggang na nagtuloy-tuloy na and naging bentahan na ng mga kung anu-ano. And nagspeedboat din us, muntikan pa nga mahulog si Mama e. Sama namin, tinawanan lang namin siya nila Papa. K, ang mean. And then pumunta naman kami sa Handicraft something, puro mga wood carvings nang kung anu-ano, ang cool nga e. Super kakaiba :bd Then we ate free buffet lunch then watched the Elephant Show. Galing nung mga elepante, nagsasoccer! Then Crocodile Wrestling Show din kung saan wala lang dun sa dalawang tao na crocodile yung kaharap nila. Pinasok pa nga nila ulo nila sa bibig nun ehh, grabe lang diba? And then paasa yung nagsabe na may concert ang mga Pinoy sa may Central World dun, pagpunta namin dun.. May mga nagcoconcert nga, di naman namin maappreciate kasi hindi man lang English ang mga kinakanta, kaya nganga. Uwi din kami e. Haha.