062312 ♥ Saturday.
Sana ganito na lang everyday.
Well, sana ganito na lang kami kasaya lagi. Walang iniisip na baka kung ano ang isipin ng ibang tao, hindi masyadong stressed sa school, walang bad vibes. Lahat okay, buong araw na enjoy sa piling ng isa’t-isa. Although nung una ay awkward, ay dahil may kasama kami na isa naming kabatch, dahil Ex. O. Planning ko nga siya, ay napauwi na rin siya nung mga bandang late hapon, dahil kailangan niya.
At alam niyo kung ano yung ginawa namin nung pagkaalis niya? E di yun, nagpakasweet sa isa’t-isa. Kumain ng Magnum together, nag-asaran, nagkulitan, naglambingan, nagkwentuhan, nagpicturan, at kung anu-ano pa. Yung tipong mga ginagawa ng mga mag-boyfriend/girlfriend. Although hindi pa official, pero ganun na rin ang turingan namin sa isa’t-isa. 
Basta ang saya ko kanina. Nagpiggy-backride pa nga ako sa kanya, isa sa mga pinapangarap ko na maranasan ko sa isang lalaking mahal na mahal ko. Nagpustahan pa nga kami e. Sabi niya, kapag nabuhat niya ako mula dun sa isang dulo ng street nila hanggang dun sa isa pang dulo ng street which is kung nasaan yung bahay nila sa kabila nung kabigatan ko.. Ay magtatagal pa kami hanggang college. Sobrang natagalan nga kami e, kasi ang dami niyang tinaguan na tao. Baliw e. Haha! Tapos yun, nababa nga niya ako sa kanila, sabay sabi.. "Hindi lang college by, magtatagal talaga tayo kahit after pa nun." And I was like.. AWWWWW :”“”>
Feeling ko legal na legal na kami on both sides, pero hindi pa pala. Sa side lang niya siguro. Parang kasing welcomed ako sa house nila. Ang bait ng mom niya and then ng lola niya din. Well, walang kaalam-alam yung side nung akin e. Tagos :’( Haha. Pero kakayanin namin ‘to, kami yata to ni Carl Michael T. Chuidian Jr. Kahit patago and everything.. :/
Nasermonan pa nga kanina e. Bakit daw ako nagpaiwan sa bahay nang may bahay, hindi na lang daw ako sumabay dun sa kasama ko. E alam niyo naman ang lola niyo, luma-lovelife. HAHAHA! Huwag tularan :p {

062312 ♥ Saturday.

Sana ganito na lang everyday.

Well, sana ganito na lang kami kasaya lagi. Walang iniisip na baka kung ano ang isipin ng ibang tao, hindi masyadong stressed sa school, walang bad vibes. Lahat okay, buong araw na enjoy sa piling ng isa’t-isa. Although nung una ay awkward, ay dahil may kasama kami na isa naming kabatch, dahil Ex. O. Planning ko nga siya, ay napauwi na rin siya nung mga bandang late hapon, dahil kailangan niya.

At alam niyo kung ano yung ginawa namin nung pagkaalis niya? E di yun, nagpakasweet sa isa’t-isa. Kumain ng Magnum together, nag-asaran, nagkulitan, naglambingan, nagkwentuhan, nagpicturan, at kung anu-ano pa. Yung tipong mga ginagawa ng mga mag-boyfriend/girlfriend. Although hindi pa official, pero ganun na rin ang turingan namin sa isa’t-isa. 

Basta ang saya ko kanina. Nagpiggy-backride pa nga ako sa kanya, isa sa mga pinapangarap ko na maranasan ko sa isang lalaking mahal na mahal ko. Nagpustahan pa nga kami e. Sabi niya, kapag nabuhat niya ako mula dun sa isang dulo ng street nila hanggang dun sa isa pang dulo ng street which is kung nasaan yung bahay nila sa kabila nung kabigatan ko.. Ay magtatagal pa kami hanggang college. Sobrang natagalan nga kami e, kasi ang dami niyang tinaguan na tao. Baliw e. Haha! Tapos yun, nababa nga niya ako sa kanila, sabay sabi.. "Hindi lang college by, magtatagal talaga tayo kahit after pa nun." And I was like.. AWWWWW :”“”>

Feeling ko legal na legal na kami on both sides, pero hindi pa pala. Sa side lang niya siguro. Parang kasing welcomed ako sa house nila. Ang bait ng mom niya and then ng lola niya din. Well, walang kaalam-alam yung side nung akin e. Tagos :’( Haha. Pero kakayanin namin ‘to, kami yata to ni Carl Michael T. Chuidian Jr. Kahit patago and everything.. :/

Nasermonan pa nga kanina e. Bakit daw ako nagpaiwan sa bahay nang may bahay, hindi na lang daw ako sumabay dun sa kasama ko. E alam niyo naman ang lola niyo, luma-lovelife. HAHAHA! Huwag tularan :p

13 notes
tagged as: GVPLEASE LORDafter collegeboyfriendgirlfriendlegallovelifekomasayapag-ibigpagmamahalpiggy backridetagalogmyalmosteverydaylife

  1. eseychayenih said: sweet :”>
  2. ivyngot posted this